Sa Paglipas ng Panahon

Cavite National Science High School
Garita B Maragondon, Cavite
Setyembre 21, 2014 

Sa ating mga ninuno,

                      Iba-iba man ang lugar ng inyong pinagmulan; meron sa Kanluran Asya, sa Timog Asya, Silangang Asya, sa Africa at maging sa South America, ngunit kayo ay naging dahilan kung bakit maunlad ang aming buhay ngayon. Sa inyong pinagmulan, nag-iwan kayo ng kani-kaniyang mga pamana sa sangkatauhan. Ang inyong mga pamana ay nagpakita ng kahusayan sa iba't ibang larangan at aspekto. 

                      Ang inyong mga kontribusyon ay nakatulong sa aming pang-araw-araw na gawain. Sa kabihasnang Mesopotamia, nag-iwan kayo ng pamanang nagpapakita ng pagkamalikhain. Ang cuneiform at ang Code of Hammurabi ay ilan lamang sa inyong knotribusyon. Nakapagbigay-daan sa amin ang cuneiform sa pag-usbong ng iba pang modelo ng pagsulat at ang Code of Hammurabi ay naging batayan sa mga batas namin ngayon. Sa panahon naman ng kabihasnang Indus, umusbong ang agham, astronomiya, pisika, kemika at arkitektura. Dahil dito nagkaroon kami ng mga surgery na ginagamit ng mga doktor namin sa kasalukuyan. Ang panahon ng kabihasnang Tsino ay nagturo sa amin na gumamit ng seismograph, star map at magnetic compass. Nakagamit din kami ng block printing at nagkaroon ng produkto kagaya ng silk o seda. Sa kabihasnang Egyptian naman ay nag-iwan kayo ng mga kahanga-hangang monumento. Ang mga piramide ay nagsisilbing alaala ng inyong dakilang nakaraan. Kayo ay nagpakita ng kahusayan sa pag-unawa ng konsepto ng geometry.Dahil dito nagagamit na namin ito sa pagsukat ng lupa, pagplano ng mga estraktura at magsagawa ng proyekto para sa irigasyon. Sa kabihasnang Mesoamerica naman ay nakagawa ng kayo ng mga liwasan, lansangan, hanging bridge at mga templo. Kayo rin ay nakagawa ng kalendaryong may 365 araw na siyang pinakawasto sa mga panahong ito.

                      Sa sobrang dami ng inyong mga kotribusyon, napagaan ang aming pamumuhay. Kung wala kayo ay hindi uunlad at gagaan ang aming buhay ngayon. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyo. Bilang pasasalamat, gagamitin ko ng wasto ang inyong mga kontribusyon at iingatan ko ang mga ito. Muli ako ay nagpapasalamat.

Lubos na nagpapasalamat,
Joyce C. Nuesca
Grade 9-fluorine
                     

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.