Dakilang Kaloob

Cavite National Science High School
Garita B-Maragondon, Cavite
Ika-17 ng Setyembre, 2014

Sa aking mga ninuno, 

            Kumusta po kayo? Marahil kayo ay masaya ngayon at maginhawa ang kalagayan. Nararapat lamang po iyan pagkatapos ng lahat ng mga bagay na ibinigay niyo sa amin. 

            Maraming salamat po sa tulong niyo. Napakarami po ng mga kontribusyon niyo: mga tanyag na gusali, kaalaman kagaya ng Matematika at Agham, at marami pang iba na naging dahilan ng aming maayos na pamumuhay sa kasalukuyan. Kung wala po ang mga iyan, siguro kami ay mamamalagi sa mga kuweba.

            Sa dami po ng inyong nagawa, hindi ko po alam kung paano sisimulan ito. Lahat po ng nagawa niyo ay mahalaga at nakatutulong sa amin. Isa po sa mga bagay na aking lubos na pinapahalagahan ang sistema ng pagsulat.

           Sa Sumerian, cuneiform ang sistema nila at sa Egyptian naman, hieroglyphics. 

           Ang pagsulat ay isang paraan ng komunikasyon at ng paglalahad ng mga saloobin. Dito nagmula ang salita: isang bagay na naging instrumento sa pagkakaroon ng pagbabago. Ang salita ay may kapangyarihan magpalakas ng kalooban o kaya nama'y manakit. Dahil dito, maraming mga buhay ang nailigtas at ang kapayapaan ay lumaganap sa mga lupain. At higit sa lahat, may kapangyarihan itong magpigil ng gulo.

           Dati-rati lang po, nagkaroon ng diskriminasyon sa mga taong maiitim ang balat. Naganap po ang racial segregation. Marami pong nasawi at naapi, ngunit ang mga tao ay hindi nawalan ng pag-asa. May mga nagsulat ng mga artikulo na nagsimula ng isang paghihimagsik. May mga aktibista rin na nagpahayag ng kanilang mga pananaw ukol sa hindi makatarungang pagtrato sa kanila. At pagkatapos ng mahaba-habang panahon, nagkaroon ng pantay na karapatan ang mga tao. Walang lamang o nakabababa. Akalain niyo po iyon! Dahil sa inyo, nagkaroon ng kaayusan.

           Siyempre, napakalayo po ng itsura ng mga titik ngayon kung ikukumpara sa mga nakaraang sulat niyo, ngunit hindi maipagkakait na rito nanggaling ang aming kasalukuyang sistema ng pagsulat. Kapaki-pakinabang ito at nagpapadali ang aming buhay.

           Sa kasalukuyan, maraming mga manunulat ang nagkalat sa mundo. Sila ay gumagawa ng mga kuwentomaaaring komedya o trahedyana nagsisilbing libangan sa mga tao. Sa iba naman, isa itong paraan ng pagtakas sa kanilang mga buhay, kahit saglit man lang. Para sa akin, nagpaparamdam ito na hindi ako nag-iisana may mga taong nakapaligid sa akin na hindi rin ganoon kadali ang sitwasyon.

          At alam niyo po, dahil dito ako ay talagang nagpapasalamat.

Lubos na gumagalang at nagmamahal,
Allyssa G. Quadra

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.