Sa Paglipas ng Panahon
Cavite National Science High School
Garita B Maragondon, Cavite
Setyembre 21, 2014
Sa ating mga ninuno,
Iba-iba man ang lugar ng inyong pinagmulan; meron sa Kanluran Asya, sa Timog Asya, Silangang Asya, sa Africa at maging sa South America, ngunit kayo ay naging dahilan kung bakit maunlad ang aming buhay ngayon. Sa inyong pinagmulan, nag-iwan kayo ng kani-kaniyang mga pamana sa sangkatauhan. Ang inyong mga pamana ay nagpakita ng kahusayan sa iba't ibang larangan at aspekto.
Ang inyong mga kontribusyon ay nakatulong sa aming pang-araw-araw na gawain. Sa kabihasnang Mesopotamia, nag-iwan kayo ng pamanang nagpapakita ng pagkamalikhain. Ang cuneiform at ang Code of Hammurabi ay ilan lamang sa inyong knotribusyon. Nakapagbigay-daan sa amin ang cuneiform sa pag-usbong ng iba pang modelo ng pagsulat at ang Code of Hammurabi ay naging batayan sa mga batas namin ngayon. Sa panahon naman ng kabihasnang Indus, umusbong ang agham, astronomiya, pisika, kemika at arkitektura. Dahil dito nagkaroon kami ng mga surgery na ginagamit ng mga doktor namin sa kasalukuyan. Ang panahon ng kabihasnang Tsino ay nagturo sa amin na gumamit ng seismograph, star map at magnetic compass. Nakagamit din kami ng block printing at nagkaroon ng produkto kagaya ng silk o seda. Sa kabihasnang Egyptian naman ay nag-iwan kayo ng mga kahanga-hangang monumento. Ang mga piramide ay nagsisilbing alaala ng inyong dakilang nakaraan. Kayo ay nagpakita ng kahusayan sa pag-unawa ng konsepto ng geometry.Dahil dito nagagamit na namin ito sa pagsukat ng lupa, pagplano ng mga estraktura at magsagawa ng proyekto para sa irigasyon. Sa kabihasnang Mesoamerica naman ay nakagawa ng kayo ng mga liwasan, lansangan, hanging bridge at mga templo. Kayo rin ay nakagawa ng kalendaryong may 365 araw na siyang pinakawasto sa mga panahong ito.
Sa sobrang dami ng inyong mga kotribusyon, napagaan ang aming pamumuhay. Kung wala kayo ay hindi uunlad at gagaan ang aming buhay ngayon. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyo. Bilang pasasalamat, gagamitin ko ng wasto ang inyong mga kontribusyon at iingatan ko ang mga ito. Muli ako ay nagpapasalamat.

Lubos na nagpapasalamat,
Joyce C. Nuesca
Grade 9-fluorine
5:46 AM | | 0 Comments
Dakilang Kaloob
Cavite National Science High School
Garita B-Maragondon, Cavite
Ika-17 ng Setyembre, 2014
Sa aking mga ninuno,
Kumusta po kayo? Marahil kayo ay masaya ngayon at maginhawa ang kalagayan. Nararapat lamang po iyan pagkatapos ng lahat ng mga bagay na ibinigay niyo sa amin.
Maraming salamat po sa tulong niyo. Napakarami po ng mga kontribusyon niyo: mga tanyag na gusali, kaalaman kagaya ng Matematika at Agham, at marami pang iba na naging dahilan ng aming maayos na pamumuhay sa kasalukuyan. Kung wala po ang mga iyan, siguro kami ay mamamalagi sa mga kuweba.
Sa dami po ng inyong nagawa, hindi ko po alam kung paano sisimulan ito. Lahat po ng nagawa niyo ay mahalaga at nakatutulong sa amin. Isa po sa mga bagay na aking lubos na pinapahalagahan ang sistema ng pagsulat.
Sa Sumerian, cuneiform ang sistema nila at sa Egyptian naman, hieroglyphics.
Ang pagsulat ay isang paraan ng komunikasyon at ng paglalahad ng mga saloobin. Dito nagmula ang salita: isang bagay na naging instrumento sa pagkakaroon ng pagbabago. Ang salita ay may kapangyarihan magpalakas ng kalooban o kaya nama'y manakit. Dahil dito, maraming mga buhay ang nailigtas at ang kapayapaan ay lumaganap sa mga lupain. At higit sa lahat, may kapangyarihan itong magpigil ng gulo.
Dati-rati lang po, nagkaroon ng diskriminasyon sa mga taong maiitim ang balat. Naganap po ang racial segregation. Marami pong nasawi at naapi, ngunit ang mga tao ay hindi nawalan ng pag-asa. May mga nagsulat ng mga artikulo na nagsimula ng isang paghihimagsik. May mga aktibista rin na nagpahayag ng kanilang mga pananaw ukol sa hindi makatarungang pagtrato sa kanila. At pagkatapos ng mahaba-habang panahon, nagkaroon ng pantay na karapatan ang mga tao. Walang lamang o nakabababa. Akalain niyo po iyon! Dahil sa inyo, nagkaroon ng kaayusan.
Siyempre, napakalayo po ng itsura ng mga titik ngayon kung ikukumpara sa mga nakaraang sulat niyo, ngunit hindi maipagkakait na rito nanggaling ang aming kasalukuyang sistema ng pagsulat. Kapaki-pakinabang ito at nagpapadali ang aming buhay.
Sa kasalukuyan, maraming mga manunulat ang nagkalat sa mundo. Sila ay gumagawa ng mga kuwento—maaaring komedya o trahedya—na nagsisilbing libangan sa mga tao. Sa iba naman, isa itong paraan ng pagtakas sa kanilang mga buhay, kahit saglit man lang. Para sa akin, nagpaparamdam ito na hindi ako nag-iisa—na may mga taong nakapaligid sa akin na hindi rin ganoon kadali ang sitwasyon.
At alam niyo po, dahil dito ako ay talagang nagpapasalamat.
Lubos na gumagalang at nagmamahal,
Allyssa G. Quadra
4:48 AM | | 0 Comments
0247 Brgy. San Agustin
Trece Martires City, Cavite
Septyembre 15, 2014
Trece Martires City, Cavite
Septyembre 15, 2014
Mga Sinaunang
Kabihasnan,
Umusbong man kayo sa iba’t-ibang panig ng
mundo, meron sa Kanlurang Asya, at ito ang Kabihasnang Mesopotamia; sa Timog
Asya naman ang Kabihasnang Indus; sa Silangang Asya naman ang Kabishasang
Tsino; sa Africa naman ang Kabihasnang Egyptian at sa America naman ang
Kabihasanan sa Mesoamerica, ako’y nagpapasalamat pa rin sa inyo! Lubos ang
aking pagkagalak ng aking malaman na ang mga bagay na aking nagagamit sa
kasalukuyan ay sa inyo pala nagmula.
Maraming mga bagay ang inyong naipamana. Katulad na lamang ng sa kabihasnang Mesopotamia. Naipamana niyo sa aming henerasyon ang mga ziggurat na pinagsasambahan ng mga diyosa o patron ng isang lungsod. Naipamana niyo rin ang water clock at sexagesimal system o ang pagbibilang na nakabatay sa 60 na siya naming nagagamit sa Matematika. Mula naman sa Kabihasang Indus, ako’y labis ding natutuwa at malaki ang aking pasasalamat. Napaimana niyo kasi ang sewerage system. Naipamana rin niyo rin sa amin ang Decimal System na siya rin naming ginagamit sa Matematika. Sa inyo rin nagmula ang mga relihiyon tulad ng Hinduism, Buddhism, Jainism at Sikhism. Maraming salamat talaga! Syempre, ang Kabihasnang Tsino din ay aking pinasasalamatan. Nagmula naman sa inyo ang kalendaryo, na siya naming ginagamit sa pang-araw araw na pamumuhay upang malaman kung anong araw na. Salamat talaga, dahil naipamana niyo rin ang mga pamaypay at paying na aming ginagamit tuwing mainit at malamig ang panahon, ang pamaypay upang magbigay ng hangin tuwing mainit at paying naman tuwing umuulan upang kami’y di mabasa ng ulan. Papahuli pa ba ang Egypt? Syempre, nagpapasalamat din ako dito, dahil sa kanila naman nagmula ang Geometry na ginagamit din namin ngayon, may asignatura pa nga kaming ganun e, Analytical Geometry. Salamat din dahil sa inyo may kalendaryo na na namu 365 na araw.

Ang mga pamanang ito ay nagpapakita ng
kadakilaan, husay at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t-ibang aspketo. Muli,
sa mga sinaunang kabihasnang sa daigdig, ang aming henerasyon ngayon ay lubos
na nagpapasalamat sa inyo!
Maraming Salamat!
Maraming Salamat!
Nagmamahal,
Kyra Arabelle Erni
3:46 AM | | 0 Comments
Subscribe to:
Posts (Atom)
Powered by Blogger.