Kasaganaang Mapalad
Sa paglipas ng oras, naging masagana ang ating mga ninuno. Unti-unti ang kanilang pag-unlad; marami silang natuklasan na mga bagay at sinubukan nilang gamitin ang mga ito sa wastong paraan.
Noong una, sa panahong Paleolitiko, apoy lamang ang gamit ng mga ninuno natin at sila ay nangaso. Wala pa silang ibang kagamitan. Ngunit pagkatapos ng ilang panahon, gumamit sila ng bato upang gumawa ng mga kasangkapan. Ang kanilang mga tirahan ay pansamantala at nagsimula silang masanay sa iba't ibang sining.
Sa Panahong Neolitiko, ang mga bato na ginamit nila ay makinis at natuto silang maghabi, kasabay ng iba pang mga gawain. Nalutas nila ang suliranin tungkol sa kakulangan sa pagkain sa pamamagitan ng pagtatanim. Dahil dito, nagkaroon sila ng permanenteng tirahan.
Lalo pang umunlad ang mga tao dahil sa tanso. Sa Panahon ng Tanso, nagpanday ang mga tao gamit ang tanso ngunit may ilan pa ring gumagamit ng bato. Pagkatapos noon, sa Panahon ng Bronse, nalaman ng mga ninuno natin na nararapat ng paghaluin ang tanso at lata para sa matigas na bronse. Nakagawa sila ng iba't ibang kasangkapan at nakipagkalakalan sila sa ibang mga lugar.
Sa huli, natuklasan ng mga Hittites ang bakal, kung kaya't tinawag ang sumunod na yugto ng pag-unlad n Panahon ng Bakal. Ang kanilang kaalaman ukol sa pagtunaw dito ay kumalat kaya mas lumaganap ang madaling pamumuhay ng mga tao.
Ngayon, sa kasalukuyan, ang mga tao ay naghahanap pa ng mga paraan upang lalong maging maginhawa ang ating pamumuhay. May makinarya na para sa mabilis na produksyon ng mga bagay, kalakip ng makabagong teknolohiya. Sa gayon, maunlad na tayo at magaan na ang mga gawain natin. Dapat nating gamitin ang mga ito sa tamang paraan.
5:18 AM | | 0 Comments
Ang Utang Sa Nakaraan
Ang nakaraan ay ang pundasyon ng kasalukuyan. Napakadaming bagay sa ating nakaraan ang nagbunsod sa matiwasay na pamumuhay ng mga tao sa panahong ito. Ang mga tao ngayon ay natutulog ng komportable sa bahay at hindi sa kweba. May kalan na ginagamit sa pagluluto. Mga tractora na malaking tulong sa pagsasaka. Mga makinaryang nagpapalakas sa ating industriya. Kuryente na gamit sa kahit anong bagay. Lahat ng ito ay utang natin sa ating mga ninuno. Upang mapahalagahan ito, kailangan natin dalhin ang kanilang mithiin, ang pagpapabuti sa susunod na henerasyon, ang hinaharap. At bilang pasasalamat ay kailangan natin protektahan ang kanilang mga pamana at gamitin sa tamang paraan at di sa kasamaan.
- Alexis Louis L. dela Cruz
4:23 AM | | 0 Comments
Pagpapakita ng Pagpapahalaga
Napakalaki ng naitulong sa atin ng mga ninuno natin. Dahil sa kanila, madali ang pamumuhay natin ngayon. Ang mga kagamitan na makikita lamang sa paligid ay may pinagmulan. Nakipagsapalaran ang mga mga ninuno natin para magawa ang mga ito at magamit nang maayos.
Upang maipakita ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon mula sa nakaraan, dapat munang maunawaan ang kahalagahan ng mga bagay na ito. Noong unang panahon, simple lamang ang pamumuhay ng mga ninuno; wala silang kuryente o kahit anong makinarya na ginagamit ng mga tao sa kasalukuyan. Para matuklasan ang gamit ng mga bagay sa kanilang kapaligiran, sinubukan nila ang mga ito. Sila ay nagpakahirap para sa ikabubuti ng kanilang kapwa.
Maaaring hindi alam ng ilang tao ang kahalagahan ng ating nakaraan, ngunit napakaimportante nito. Kung wala ang ating mga ninuno, marahil wala tayo sa ating kinaroroonan ngayon. Pwede nating paunlarin at gamitin sa tamang paraan ang mga ipinagkaloob na yaman sa atin. Huwag natin basta-basta hahayaang mapunta sa kawalan ang mga ito sapagkat malaki ang naitutulong nito sa atin.
-Allyssa G. Quadra
4:38 AM | | 0 Comments